Saturday, April 27, 2013

NATATANGING PILIPINO NGAYON (Benedict Carandang )


BENEDICT CARANDANG


Hi! Ako si Kuya Benedict Carandang na isang animator.  Nanalo ako sa British Council’s 2008 Young Screen Entrepreneur Search dahil sa tagumpay ng Tuldok Animation.  Isa itong non-profit organization na tumutulong sa mga Pilipino upang linangin ang talent sa paggawa ng animated films.  Naging exchange student ako sa Pittsburg at nanalo na bisitahin ang Pixar Animation Studio para obserbahan ang paggawa ng “The Bug’s Life” animated film. Para ikaw ay magtagumpay, gamitin ang lahat ng iyong resources at huwag matakot. Take risks! 

NATATANGING PILIPINO NGAYON (Cecile Licad)



Cecile Licad

Hi Povedans! Ako si Cecile Licad! Tulad mo,ako ay isang Povedan! Kilala ako sa pagtugtog ng piyano sa buong mundo.  Bata pa lamang ako ay mahilig na ako tumugtog nito.  Nakakuha ako ng scholarship sa musika sa ibang bansa. Sana ay maging mahusay ka din sa pagtugtog ng piano.

NATATANGING PILIPINO NGAYON (Liza Macuja –Elizalde)



Mahilig ka ba sa ballet? Kung oo, siguradong magkakasundo tayo.  Ako si Liza Macuja –Elizalde.  Isa akong Prima Ballerina.  Narating ko ang tagumpay dahil sa pagtitiyaga at determinasyon sa pagsasanay (practice).  Ako ang unang Pilipina na nakapagsayaw ng ballet sa Kirov Ballet of Russia.  Tulad ko, ikaw din ay maaari din maging isang Prima Ballerina!

Sunday, April 7, 2013

Huwarang Pilipino (Juan Luna)




JUAN LUNA

Siya ay isang mahusay na pintor.
Ginawa niya ang “Spolarium” na makikita sa National Museum. Ang “Spolarium” ay nanalo sa isang kompetisyon ng pagpinta sa Madrid, Spain noong 1884.

Huwarang Pilipino Noon (Melchora Aquino)


         
         MELCHORA AQUINO

          v  Siya ang “Ina ng Katipunan”.
          v  Isang matapang na babae
         v  Tinulungan,  pinakain at pinatira niya sa kanyang bahay ang mga katipunero.
          v  Kilala din siya sa tawag na “Tandang Sora”

Huwarang Pilipino (Emilio Aguinaldo)


EMILIO AGUINALDO

        v  Siya ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
        v  Noong Hunyo 12, 1898, pinamunuan niya ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas (Independence Day) sa Kawit, Cavite.

Huwarang Pilipino Noon (Andres Bonifacio)



ANDRES BONIFACIO


          Siya ang nagtatag ng samahang Katipunan ( isang lihim na samahan na gustong ipagtanggol ang bansa laban sa mga Kastila)
              v  Tinulungan niya ang kanyang pamilya sa pagtitinda ng mga tungkod na kahoy (canes) at abaniko (fans).
             v  Kahit mahirap at ulila (orphan), siya ay nagtiyaga na matutong magbasa.
                  v  Isinulat niya ang tulang “ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.