Sunday, April 7, 2013

Mga Huwarang Pilipino (Sibika at Kultura 2)


Mga Natatanging Pilipino Noon

Lapu-Lapu

Isa sa dapat natin ipagmalaki bilang mga Pilipino ay ang mga taong nagbigay ng  karangalan (honor) sa ating bansa dahil sa  kanilang tapang at kakayahan.  Kilalanin natin ang mga natatanging Pilipino noon at ngayon.

Nagiging sikat at kilala ang isang Pilipino sa buong bansa at sa buong mundo kung nakapagpakita siya ng kahanga-hangang galing at husay.

Ang iba ay itinuturing na mga bayani dahil sa kanilang katapangan sa pagtatanggol sa ating bayan noong unang panahon. 

v  Isa siyang pinuno ng Mactan sa Cebu.
v  Siya ang unang Pilipino na lumaban sa mga Kastila at kilala bilang unang bayani ng bansa.
v  Ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Cebu.
v  Makikita ang kanyang monumento  sa Mactan Shrine sa Cebu at sa Luneta Park.

TONG:  Root-Cause of Magellan'd Death
Complementary to the present political revolution of P-Noy to veer away from corruption and greed and walk the path of righteousness, this septuagenarian blogger has the following piece in Pilipino – “TONG: UGAT-SANHI NG KAMATAYAN NI MAGELLAN SA PILIPINAS.” The account was read from the book “Magellan, A Voyage of Life” by Allan P. Hearn.

March 16, 1521 is recorded in our history as the date of discovery of the Philippines.

Ferdinand Magellan is acknowledged in world history as the man who discovered the Philippines.

Antonio Francisco Pigafetta was Magellan’s personal recorder of the day-to-day events during that historical voyage of his life.

April 27, 1521: Pigafetta recorded the death of Magellan; ending in the diary - they killed “our mirror, our light and comfort, and our true guide.”

Lapu-Lapu: The name etched in Philippine history and in every Pilipino mind - the man who killed Magellan.

Lapu-lapu the chieftain of Mactan Island killed Magellan in earnest, defending his territory against the assault of about three scores of Spanish soldiers fully equipped with armors and weapons.

Buwis. Butaw. Tax. Harbor Tariff. Royal Tax. Tribute. Ang pagsingil sa lahat ng iyan, kahit noon pa man at sa kasalukuyan, ay bahagi na nang kasaysayan.

Protection money ng mga goons, terrorist, gayun din ng pulis, at iba pang alagad ng batas. Revolutionary Tax ng NPA, Abu Sayaff, MILF, at iba pang rebeldeng grupo. Pass Way sa mga barangay at pribadong lupain, na daraanan ng tao at kalakal. Ang mga ito naman ang ilan sa tawag nang bagong panahon.

Ang lahat ng mga nabanggit ay ipinatutupad ng may awtoridad, lider sa lugar, may kapangyarihan at karapatan. Pakiusap, lakas ng loob at sapilitan na may kasamang pananakot ang pagkuha nito sa kinauukulan.

Harbor tariff ang singil ni Raha Humabon nang sumapit ang ekspedisyon ni Magellan sa pantalan ng Cebu. Royal tax, tribute naman para sa Hari ng Espanya ang nais ni Magellan buhat sa buong kapuluan. Ang puntong ito ang tumbok na talakay kung bakit hindi nakabalik sa Espanya si Magellan.

Depende sa umiiral na may kapangyarihan o may karapatan, ang lahat ng iyan ay maaari nating bigkisin ngayon sa isang kolokyal na salitang Pinoy- TONG.

TONG. Lintakin mo, matay ko mang pakalimiin buhat sa kasaysayan, TONG ang ugat-sanhi at dahilan nang maagang kamatayan ni Magellan sa kamay ni LAPU-LAPU sa baybayin ng maliit na pulo ng Mactan sa “ARKIPELAGO NI SAN LAZARO,” apat na raan at siyamnapung taon (490) nang lumipas, ngayong 2011.

Tunghayan natin ang ulat kasaysayan ni Magellan buhat sa aklat (Magellan, A Voyage of Life) by Alan P. Hearn (1966), isang Briton na naninirahan sa Pilipinas.

Marso 16, 1521. Ang araw nang bumulaga sa paningin ni Magellan ang tangos (cape) ng isang pulo (Samar) sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya – Araw ni San Lazaro ayon sa mga kristiyano. Kaya naman tinawag n’ya na “ARKIPELAGO NI SAN LAZARO,” ang unang pangalan ng bansang Pilipinas. Hindi nanatili ang pangalang ito. Napalitan ng Filipinas matapos ang mga sumunod na ekspedisyon.

Tutukan natin ang mahigit isang buwang yapak ni Magellan sa lupang Pilipinas. Yapak na hindi sumagi sa kanyang isip ang kanyang kamatayan dahil lamang sa TONG o tribute na hindi ibinigay lahat ni Lapu-Lapu.

Nilampasan ng nalalabing tatlong barko ng ekspedisyon ni Magellan ang pulo ng Samar. Kinabukasan ay nagpatuloy pakanluran hanggang marating ang isla ng Homomhon. Ilang tauhan ang inatasang umahon sa islang ito, alamin kung may katutubong naninirahan at humanap ng pagkain upang manumbalik ang lakas ng maraming tripulante.

Di nagtagal at bumalik silang dala kay Magellan ang kailangang pagkain at magandang balita: walang tao at lubos na sagana sa bungang kahoy at sariwang prutas. Inatasang gumawa ng pansamantalang tahanan at stockage o kanlugan ang mga tripulante upang sa pulong ito mamahinga at magpalakas ng kalusugan. Sagana ang pulo sa “buko” o murang niyog na ang katas ay mayaman sa bitamina.

Matapos ang dalawang araw na kain, tulog, tahimik na pahingalay upang palakasin ang mga nanghinang katawan sanhi ng mahabang biyahe, pagod, gutom at sakit, dumating sa Homonhon ang isang bangka lulan ang sampung katutubo. Halos hubad ang mga ito at kulay pula ang ngidngid at ngipin dahil sa nginunguyang bunga.

Personal na sinalubong ni Magellan ang dumating na katutubo. Bagaman at hindi magkaintindihan sa wika, kahit may interpreteng Malay na si Enrique at isa pang kasamang bihag na si Omatu, kinaibigan sila ng mga kastila upang di maulit ang hindi magandang karanasan sa ibang lupaing naunang dinaungan sa may dagat Pasipiko.

Makaraan pa ang tatlong araw ay dumalaw na ang pinuno ng katutubo. Higit na matanda, suot ang palamuting ginto sa braso at tainga, gayundin may tanim na ginto ang mga sibat at kalasag. Kinailangan ni Magellan na pigilin ang kanyang tripulante na mahalata ang interes nila sa ginto. Ayon sa pinuno, Homonhon ang ngalan ng pulo at bahagi ng maraming isla mula timog hanggang hilaga ng Arkipelago.

Marso 25, 1521, matapos makumpuni at malinis ang tatlong barko, makapahinga, mabusog at magpalakas buhat sa sariwang pagkain, nagpatuloy ang ekspedisyon pahilagang kanluran. Dinaanan ang Leyte gulf at Surigao Strait, abot-tanaw ang dulong timog at hilaga ng Mindanao hanggang sapitin ang isa pang pulo Marso 28, 1521.

Nagkaintindihan si Enrique at katutubo sa wikang may kahalong Malay. Si Enrique ang personal na alila ni Magellan. Si Enrique ay sa Molucas Island binili ng nauna n’yang amo bago nalipat kay Magellan.

Nabatid nila na Limasawa ang tawag sa pulo at si Raha Colambu ang lider dito. Hango sa Malay ang wikang ginamit ni Enrique. Ito ang nagbigay katiyakan kay Magelan na nalibot na nila ang mundo at malapit na ang Spice Islands.

Abot na n’ya ang tugatog ng tagumpay bilang Kapitan Heneral. Ang ekspedisyong ito ang naglayag pakanluran at natagpuan ang lusutan tungo sa Silangan, at pagbalik sa Espanya ay siya na ang makikilalang unang manlalayag na umikot sa mundo; higit sa lahat ang pangako ng Hari na kayaman, karangalan, katanyagan.

Sa katiyakan ng lahat ng ito, isasagawa n’ya ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo kasunod ang pagsakop sa Arkipelago ni San Lazaro sa pangalan ng Hari ng Espanya.

Ni hindi sumagi sa isipan ni Magellan ang nalalapit n’yang kamatayan sa loob ng kulang isang buwan.

Sa pulo ng Limasawa nagsimula ang ugnayan at pakikipagkaibigan. Nagpalitan ng regalo, kuwentuhan ng mahabang oras, hanggang sa maganap ang sanduguan (blood compact) ni Raha Colambu at Magellan. Idinaong ang tatlong malaking barko ng espanya.

Linggo, araw ng palaspas, ginanap sa Limasawa ang kauna-unahang misa sa Pilipinas. Nagtayo ng isang malaking Krus na kahoy si Magellan sa tuktok ng isang burol malapit sa kabayanan. Ito ang simbulo ng pag-angkin at pagsakop sa buong arkipelago sa ngalan ng Hari ng Espanya.

Nabatid ni Magellan ang tungkol sa higit na malaki at maunlad na pulo ng Cebu. Kailangang tulungan muna si Colambu na gapasin sa lalong madaling panahon ang hinog nang butil ng palay. Sa tulong ng matitipunong tauhan ni Magellan madaling tinapos ang anihan. Matapos ito ay isang masaganang piging at palitan ng kalakal.

Abril 3, 1521 nagsimula ang ekspedisyon tungo sa Cebu.
Abril 7, 1521 naman dumaong sa Cebu ang buong tropa ni Magellan kasama si Colambu. Inatasan si Don Antonio bilang sugo at Enrique bilang taga-pagsalita ni Magellan na makipag-ugnayan sa Raha ng Cebu. Malayo pa sa pampang ay nagpaputok ng malakas na kanyon pahiwatig ng kapangyarihan ng dayuhang Kastila na ikinatakot ng katutubo.

Si Humabon ang Hari ng Cebu. Sinabi n’ya sa sugo ang patakarang umiiral: Taripa sa daungan. TONG ang kolokyal na tawag natin ngayon.

Natural, ipinaliwanag ni Enrique na hindi papayag si Magellan sa patakarang ito sapagkat ang bansang Espanya ay makapangyarihan sa buong mundo. Pakay nila ay kapayapaan at kalakalan ngunit kung kinakailang at hindi maiiwasan ay handang sumuong sa madugong labanan.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Isang panauhin (nagosyanteng Arabo) ni Humabon ang nagkwento sa Raha tungkol sa pagkasakop sa East Indies at Spice Islands ng puting dayuhan at pinayuhan ang Raha na mabuting di hamak ang makipagkalakalan kaysa makipagdigmaan sa dayuhang kastila. Idinagdag ni Enrique na Portugal ang bansang sumakop doon at hindi Espanya, subalit ang Espanya ang higit na makapangyarihan sa lahat ng bansa. At binasa ni Enrique ang nakasulat na mensahe ng pakikipagkaibigan at kalakalan ni Magellan kay Raha Humabon.

Nagkaroon nang palugit (extension) sa pagpapatupad ng taripa sa daungan. Wala muna ang TONG. Masusi itong pagiisipan. Nagtatag ng isang Trading Post sa baybayin ng Cebu at nagsimula ang palitan at kalakalan. Naging simula rin ito nang higit na pagkakaibigan ng dayuhan at katutubo.

Hindi naglaon, sa paliwanag ni Raha Colambu napahinuhod si Humabon na maging Kristiyano. Inatasan ni Magellan si Padre Valderama na magtayo ng altar at sama-samang ganapin ang binyag sa Kristiyanismo, sampu ng mga asawa ni Humabon, alagad, at buong nasasakupan ng Cebu. Nagtayo rin sa Cebu ng isang malaking krus na kahoy bilang tanda ng pagtalima sa kapangyarihan ng Espanya.

Naging abusado ang maraming sundalo ni Magellan lalo na sa kababaihan. Sukdulan ang pang-abuso ni Duarte Barbosa, ang pinakamatalik na kaibigan ni Magellan. Ipinakulong n’ya ito at ikinadena sa barko.

Lalong nag-alab ang kagustuhan ni Magellan na mabinyagan at masakop ang iba pang kalapit tribu. Sa halip hikayatin, tinakot n’ya ang mga pagano na tutugisin kung hindi magiging binyagan. Ipinasunog ang mga estatwang idolo ng katutubo.

Ipinatawag sa isang miting ang mga lider tribu ng kalapit na mga isla at binalaan ang ilang rebelde kung hindi dadalo. Isa sa lider ng Mactan, si Lapu-Lapu, ay hindi dumalo. Natuon ang galit ni Magellan kay Lapu-Lapu.

Ipinasunog ni Magellan ang sentro ng Mactan at ipinagahasa ang kababaihan. Nagpasugo siya na magbigay si Lapu-Lapu ng alay o tribute: kung ilan bilang ng baboy, kambing, manok, bigas at niyog.

Ilan bahagi lamang ng alay na ipinagutos ang ipinadala kay Magellan ni Lapu-Lapu upang galitin ang dayuhan. Bilang lider katutubo, bakit nga naman siya magbibigay ng TONG sa isang dayuhan? Labag sa kanyang patakaran at prinsipyo ang magbigay ng TONG. . . . . . Regalo pwede pa.

Ang hindi pagbibigay ni Lapu-Lapu ng kumpletong TONG ang nagsilbing mitsa sa paglusob ni Magellan sa pulo ng Mactan.


Si Lapu-Lapu lamang, sa mga lider tribu ng karatig pulo ng Cebu, ang hindi dumalo sa miting na ipinatawag ni Magellan.


Bilang ganti ipinasunog ni Magellan sa kanyang marino ang kapitolyo ng isla kasabay ang pag-gahasa sa ilang kababaihan.

Matapos ang panununog, kagyat na nagpadala ng sugo at iniutos kay Lapu-Lapu na magbigay ng takdang bilang ng baboy, kambing, manok, bigas at niyog. Sa pananaw ni Lapu-Lapu ang atas na ito ay malinaw na matatawag na “TONG”. Kalahati lamang sa hiningi ang ipinadala ni Lapu-Lapu.

Lalong nagalit si Magellan sa di pagbibigay ni Lapu-Lapu ng takdang “TONG” na kanyang kinailangan.

Ito ay tahasang rebelyon at hindi n’ya dapat palampasin sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga tauhan. Katuwiran nila, tatlong linggo na sila sa Cebu, tagumpay na nahanap na nila ang lagusan pakanluran at panahon na upang lumisan pabalik at mag-uwi sila ng maraming panlahok (spices) at sari-saring kalakal. Hindi na dapat personal na lumapag sa barko si Magellan upang tugisin si Lapu-Lapu. Labag ito sa kautusang militar at kaugaliang nabal.

Matigas talaga ang ulo ni Magellan.Tinanggihan ni Magellan ang alok ni Raha Humabon na isang libong sundalo, gayun din ang tulong ng anak ni Humabon na pangunahan ang sabay na pag-atake sa likod ng Mactan. Tinanggihan din ang alok na tulong ng isa sa anak ng kagalit ni Lapu-Lapu, si Zula, isa pang lider sa pulo ng Mactan.

Paniwala ni Magellan na tadhana ng Diyos na siya mismo ang mamuno sa maliit na pwersa, ngunit may higit na makapangyarihan armas, upang matigil ang rebelyon ni Lapu-Lapu at hindi pamarisan ng iba.

Ang barkong Trinidad kasama ang dalawa pa ay umalis ng Cebu. Sa maikling oras ng paglalayag, nag-angkla sila sa may isla ng Mactan. Hating-gabi nang Abril 27, 1521, handa sa laban na sumakay sa tatlong maliit na bangka ang 60 armadong sundalo sa pamumuno ni Magellan. Humimpil sila malapit sa pampang ng Mactan. Sa di kalayuan ay nakahimpil din ang ilang bangka, lulan ang ilan katutubo kabilang ang mag-ama ni Raha Humabon, upang maging saksi sa pangakong tagumpay ni Magellan.

Tatlong oras bago sumapit ang bukang-liwayway, isang sugo ang pinaahon ni Magellan upang himukin si Lapu-Lapu na isuko ang kanilang armas. Tinawanan at inaglahi lamang ito ni Lapu-Lapu. Sinabing handa silang ipagtanggol ang Mactan, kasabay ang hatid-pakiusap kay Magellan na hintayin ang sikat ng araw bago umatake dahil may hinihintay pang mga kakampi si Lapu-Lapu.

Inakala ni Magellan na ito ay isang pakana upang sa halip ay sumalakay agad habang madilim pa at mahulog sa inihandang mga patibong ni Lapu-Lapu. Kaya naman iniutos ni Magellan na manatili sa bangka at hintayin ang pagsikat ng araw.

Naging mahirap sa 60-kataong pangkat ni Magellan ang tatlong oras na paghihintay sa maliit na bangka suot ang mabigat na baluting bakal at pasan ang mabibigat na baril at iba pang armas pandigma. Dagdag pa rito ang tagaktak na tulo ng pawis dahil sa init ng gabi kasabay ang kagat ng naglipanang lamok sa bahagi ng mukha, kamay at paa na walang baluti.

Bukang-liwayway na nang lumusong sa tubig si Magellan at mandirigmang Kastila dahil hindi makalapit ang tatlo nilang bangka sa pampang sa dami ng mga corals (bulaklak ng bato) o bahura at bato sa baybay. Hanggang baywang ang lalim ng tubig, pasan nila ang mabibigat na armas at lalong naging mabagal ang kilos sa suot na baluti. Labing isang tauhan ang naiwan sa bangka upang magsilbing arteleriya, proteksyon sa pag-ahon sa pampang.

Sa kanilang pag-ahon, kanilang nabatid na hindi pala abot sa pampang ang bala ng artileriya. Bukas na bukas sila sa mga katutubo. Handang-handa si Lapu-Lapu. Tatlong maluwang at malalim na hukay o trenches ang dapat nilang tawirin. Sa pagitan ng bawat trentseriya ay hindi abot ang kanilang punlo sa naghihintay na katutubo.

Marami sa mga sundalo ni Magellan ay hindi pala sanay gumamit ng krus na panudla o crossbow kaya pasimula pa lamang sa unang trentseriya ay batid na nila na ang ekspedisyon ng 60 armadong Kastila laban sa isang libong tauhan ni Lapu-Lapu ay pagsuong sa tiyak na kamatayan. Walang silbi ang maikling baril na madaling maubos ang pulbora at bala.

Iniutos ni Magellan ang tigil putukan at labanan ang katutubo ng malapitan (hand-to-hand combat).

Kinailangan bumaba at pumakabila sa unang hukay. Umatras naman ang grupo ni Lapu-Lapu upang lalong mapalayo sa baybayin ang lumulusob na kaaway. Kagyat na inatasan ni Magellan si Cristobal Rabelas at Juan de la Torre na sunugin ang malapit na bahayan. Di pa gaanong nakakalayo ang ilang tauhang inatasan ay napalibutan na ang mga ito ng pulotong ng mga katutubo at nasaksihan ni Magellan ang kamatayan ng kanyang mga tauhan.

Bumulaga kay Magellan na wala silang laban. “Atras soldados” ang utos ni Magellan. Ang iba ay takbuhang pabalik habang ang iba ay lumalaban. Gayun na lamang ang hirap nila bago makaahon sa hukay-patibong ni Lapu-Lapu pabalik sa pampang kung saan sila ay pinaligiran ng pangkat ni Lapu-Lapu upang pigilan makabalik sa barko. Nagkanikaniyang karipas ng takbo ang mga kastila sa kabila ng utos ni Magellan na laban ang iba habang atras ang ilan.

Naiwan si Magellan at walo pang sundalo kasama ang matapat na alagad – si Enrique at Don Antonio. Sa pakikipaglaban, tinamaan ng palasong may lason ang hita ni Magellan. Binunot n’ya ito at magiting pa ring lumaban habang ang lason ay tumatalab sa kanyang katauhan.

Bilang tunay na Kapitan Heneral nanatiling siyang nagtanggol hanggang sumapit sa tubig patungo sa barko ang ilang nalabing sundalo. Saka pa lamang umatras ang natitirang pangkat ni Magellan.

Pantay tuhod ang tubig, nakipaglaban pa rin ang pangkat ni Magellan. Dalawang ulit nalaglag ang helmet ni Magellan dahil sa ulan ng sibat ng kalaban sa isang oras na pakikibaka na walang katiyakan.

Nagpadala ng tulong-pwersa si Raha Humabon. Subalit bago pa sumapit sa labanan ay sila mismo ang napuntirya ng maling asinta ng kanyon buhat sa barko at ang mga ito ay nagkahiwahiwalay ng walang katuturan.

Lima na lamang ang nalabing lumalaban sa tropa ni Magellan. Apat ang nasawi sa tama ng sibat sa kabila ng kanilang suot na baluting metal. Si Magellan mismo ay may tinamong sugat sa mukha at hinabol n’ya ng sibat ang katunggali. Wala na ang ipinukol na sibat, pilit n’yang inabot ang kanyang sable sa kanyang baywang subalit hindi na nakuhang mahugot sa kaluban dahil tinamaan s’ya ng sibat sa kamay.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Sumugod si Lapu-Lapu at inundayan ng taga ng kanyang kampilan ang walang baluting paa ni Magellan. Bagsak patihaya, TIMBUWANG sa tubig si Magellan. Sinibat at inundayan ng saksak at sisinghap-singhap na naanod sa dagat ng Mactan hanggang bawian ng buhay.

Sa puntong ito natuon ang atensyon ni Lapu-Lapu at mga kampon sa pagkagapi kay Magellan, dahilan upang makatakas ang apat na nalabing tauhan ni Magellan. Tulala at hindi makapaniwala ang mga nakasaksi sa kamatayan ni Magellan; “ang tumugis ang siyang napatay ng tinugis.” (“The hunter was killed by the hunted.”)

Sugatan, halos agaw-buhay na nakabalik sa barko sina Don Antonio, Enrique, Filberto, at Escobar. Nasulat sa dayari ni Pigafetta ang kamatayan ni Magellan: Pinatay nila “ang aming salamin, ang aming liwanag at taga-alo, at siyang tunay naming patnubay” sa paglalayag. (They killed “our mirror, our light and comfort, and our true guide.”)

Sa bawat kasaysayan, may mapupulot na aral. Aral sa buhay na dapat limiin at pakinabangan. Piliin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. Malinaw na TONG o “LAGAY” ang nagsilbing mitsa sa kamatayan ni Magellan.


http://calambabythebay.blogspot.com/2011_03_13_archive.html











No comments:

Post a Comment