v Isa
siyang pinuno ng Mactan sa Cebu.
v Siya
ang unang Pilipino na lumaban sa mga
Kastila at kilala bilang unang bayani ng bansa.
v Ipinangalan
sa kanya ang isang bayan sa Cebu.
v Makikita
ang kanyang monumento sa Mactan Shrine
sa Cebu at sa Luneta Park.
TONG: Root-Cause of Magellan'd Death
Complementary
to the present political revolution of P-Noy to veer away from corruption and
greed and walk the path of righteousness, this septuagenarian blogger has the
following piece in Pilipino – “TONG: UGAT-SANHI NG KAMATAYAN NI MAGELLAN SA
PILIPINAS.” The account was read from the book “Magellan, A Voyage of Life” by
Allan P. Hearn.
March
16, 1521 is recorded in our history as the date of discovery of the
Philippines.
Ferdinand
Magellan is acknowledged in world history as the man who discovered the
Philippines.
Antonio
Francisco Pigafetta was Magellan’s personal recorder of the day-to-day events
during that historical voyage of his life.
April
27, 1521: Pigafetta recorded the death of Magellan; ending in the diary - they
killed “our mirror, our light and comfort, and our true guide.”
Lapu-Lapu:
The name etched in Philippine history and in every Pilipino mind - the man who
killed Magellan.
Lapu-lapu
the chieftain of Mactan Island killed Magellan in earnest, defending his
territory against the assault of about three scores of Spanish soldiers fully
equipped with armors and weapons.
Buwis.
Butaw. Tax. Harbor Tariff. Royal Tax. Tribute. Ang pagsingil sa lahat ng iyan,
kahit noon pa man at sa kasalukuyan, ay bahagi na nang kasaysayan.
Protection
money ng mga goons, terrorist, gayun din ng pulis, at iba pang alagad ng batas.
Revolutionary Tax ng NPA, Abu Sayaff, MILF, at iba pang rebeldeng grupo. Pass
Way sa mga barangay at pribadong lupain, na daraanan ng tao at kalakal. Ang mga
ito naman ang ilan sa tawag nang bagong panahon.
Ang
lahat ng mga nabanggit ay ipinatutupad ng may awtoridad, lider sa lugar, may
kapangyarihan at karapatan. Pakiusap, lakas ng loob at sapilitan na may
kasamang pananakot ang pagkuha nito sa kinauukulan.
Harbor
tariff ang singil ni Raha Humabon nang sumapit ang ekspedisyon ni Magellan sa
pantalan ng Cebu. Royal tax, tribute naman para sa Hari ng Espanya ang nais ni
Magellan buhat sa buong kapuluan. Ang puntong ito ang tumbok na talakay kung
bakit hindi nakabalik sa Espanya si Magellan.
Depende
sa umiiral na may kapangyarihan o may karapatan, ang lahat ng iyan ay maaari
nating bigkisin ngayon sa isang kolokyal na salitang Pinoy- TONG.
TONG.
Lintakin mo, matay ko mang pakalimiin buhat sa kasaysayan, TONG ang ugat-sanhi
at dahilan nang maagang kamatayan ni Magellan sa kamay ni LAPU-LAPU sa baybayin
ng maliit na pulo ng Mactan sa “ARKIPELAGO NI SAN LAZARO,” apat na raan at
siyamnapung taon (490) nang lumipas, ngayong 2011.
Tunghayan
natin ang ulat kasaysayan ni Magellan buhat sa aklat (Magellan, A Voyage of
Life) by Alan P. Hearn (1966), isang Briton na naninirahan sa Pilipinas.
Marso
16, 1521. Ang araw nang bumulaga sa paningin ni Magellan ang tangos (cape) ng
isang pulo (Samar) sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya – Araw ni San Lazaro
ayon sa mga kristiyano. Kaya naman tinawag n’ya na “ARKIPELAGO NI SAN LAZARO,”
ang unang pangalan ng bansang Pilipinas. Hindi nanatili ang pangalang ito.
Napalitan ng Filipinas matapos ang mga sumunod na ekspedisyon.
Tutukan
natin ang mahigit isang buwang yapak ni Magellan sa lupang Pilipinas. Yapak na
hindi sumagi sa kanyang isip ang kanyang kamatayan dahil lamang sa TONG o
tribute na hindi ibinigay lahat ni Lapu-Lapu.
Nilampasan
ng nalalabing tatlong barko ng ekspedisyon ni Magellan ang pulo ng Samar.
Kinabukasan ay nagpatuloy pakanluran hanggang marating ang isla ng Homomhon.
Ilang tauhan ang inatasang umahon sa islang ito, alamin kung may katutubong
naninirahan at humanap ng pagkain upang manumbalik ang lakas ng maraming
tripulante.
Di
nagtagal at bumalik silang dala kay Magellan ang kailangang pagkain at
magandang balita: walang tao at lubos na sagana sa bungang kahoy at sariwang
prutas. Inatasang gumawa ng pansamantalang tahanan at stockage o kanlugan ang
mga tripulante upang sa pulong ito mamahinga at magpalakas ng kalusugan. Sagana
ang pulo sa “buko” o murang niyog na ang katas ay mayaman sa bitamina.
Matapos
ang dalawang araw na kain, tulog, tahimik na pahingalay upang palakasin ang mga
nanghinang katawan sanhi ng mahabang biyahe, pagod, gutom at sakit, dumating sa
Homonhon ang isang bangka lulan ang sampung katutubo. Halos hubad ang mga ito
at kulay pula ang ngidngid at ngipin dahil sa nginunguyang bunga.
Personal
na sinalubong ni Magellan ang dumating na katutubo. Bagaman at hindi
magkaintindihan sa wika, kahit may interpreteng Malay na si Enrique at isa pang
kasamang bihag na si Omatu, kinaibigan sila ng mga kastila upang di maulit ang
hindi magandang karanasan sa ibang lupaing naunang dinaungan sa may dagat
Pasipiko.
Makaraan
pa ang tatlong araw ay dumalaw na ang pinuno ng katutubo. Higit na matanda,
suot ang palamuting ginto sa braso at tainga, gayundin may tanim na ginto ang
mga sibat at kalasag. Kinailangan ni Magellan na pigilin ang kanyang tripulante
na mahalata ang interes nila sa ginto. Ayon sa pinuno, Homonhon ang ngalan ng
pulo at bahagi ng maraming isla mula timog hanggang hilaga ng Arkipelago.
Marso
25, 1521, matapos makumpuni at malinis ang tatlong barko, makapahinga, mabusog
at magpalakas buhat sa sariwang pagkain, nagpatuloy ang ekspedisyon pahilagang
kanluran. Dinaanan ang Leyte gulf at Surigao Strait, abot-tanaw ang dulong
timog at hilaga ng Mindanao hanggang sapitin ang isa pang pulo Marso 28, 1521.
Nagkaintindihan
si Enrique at katutubo sa wikang may kahalong Malay. Si Enrique ang personal na
alila ni Magellan. Si Enrique ay sa Molucas Island binili ng nauna n’yang amo
bago nalipat kay Magellan.
Nabatid
nila na Limasawa ang tawag sa pulo at si Raha Colambu ang lider dito. Hango sa
Malay ang wikang ginamit ni Enrique. Ito ang nagbigay katiyakan kay Magelan na
nalibot na nila ang mundo at malapit na ang Spice Islands.
Abot
na n’ya ang tugatog ng tagumpay bilang Kapitan Heneral. Ang ekspedisyong ito
ang naglayag pakanluran at natagpuan ang lusutan tungo sa Silangan, at pagbalik
sa Espanya ay siya na ang makikilalang unang manlalayag na umikot sa mundo;
higit sa lahat ang pangako ng Hari na kayaman, karangalan, katanyagan.
Sa
katiyakan ng lahat ng ito, isasagawa n’ya ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
kasunod ang pagsakop sa Arkipelago ni San Lazaro sa pangalan ng Hari ng
Espanya.
Ni
hindi sumagi sa isipan ni Magellan ang nalalapit n’yang kamatayan sa loob ng
kulang isang buwan.
Sa
pulo ng Limasawa nagsimula ang ugnayan at pakikipagkaibigan. Nagpalitan ng
regalo, kuwentuhan ng mahabang oras, hanggang sa maganap ang sanduguan (blood
compact) ni Raha Colambu at Magellan. Idinaong ang tatlong malaking barko ng
espanya.
Linggo,
araw ng palaspas, ginanap sa Limasawa ang kauna-unahang misa sa Pilipinas.
Nagtayo ng isang malaking Krus na kahoy si Magellan sa tuktok ng isang burol
malapit sa kabayanan. Ito ang simbulo ng pag-angkin at pagsakop sa buong
arkipelago sa ngalan ng Hari ng Espanya.
Nabatid
ni Magellan ang tungkol sa higit na malaki at maunlad na pulo ng Cebu.
Kailangang tulungan muna si Colambu na gapasin sa lalong madaling panahon ang
hinog nang butil ng palay. Sa tulong ng matitipunong tauhan ni Magellan
madaling tinapos ang anihan. Matapos ito ay isang masaganang piging at palitan
ng kalakal.
Abril
3, 1521 nagsimula ang ekspedisyon tungo sa Cebu.
Abril
7, 1521 naman dumaong sa Cebu ang buong tropa ni Magellan kasama si Colambu.
Inatasan si Don Antonio bilang sugo at Enrique bilang taga-pagsalita ni
Magellan na makipag-ugnayan sa Raha ng Cebu. Malayo pa sa pampang ay nagpaputok
ng malakas na kanyon pahiwatig ng kapangyarihan ng dayuhang Kastila na
ikinatakot ng katutubo.
Si
Humabon ang Hari ng Cebu. Sinabi n’ya sa sugo ang patakarang umiiral: Taripa sa
daungan. TONG ang kolokyal na tawag natin ngayon.
Natural,
ipinaliwanag ni Enrique na hindi papayag si Magellan sa patakarang ito sapagkat
ang bansang Espanya ay makapangyarihan sa buong mundo. Pakay nila ay kapayapaan
at kalakalan ngunit kung kinakailang at hindi maiiwasan ay handang sumuong sa
madugong labanan.
Nagkaroon
ng mainitang pagtatalo. Isang panauhin (nagosyanteng Arabo) ni Humabon ang
nagkwento sa Raha tungkol sa pagkasakop sa East Indies at Spice Islands ng
puting dayuhan at pinayuhan ang Raha na mabuting di hamak ang makipagkalakalan
kaysa makipagdigmaan sa dayuhang kastila. Idinagdag ni Enrique na Portugal ang
bansang sumakop doon at hindi Espanya, subalit ang Espanya ang higit na
makapangyarihan sa lahat ng bansa. At binasa ni Enrique ang nakasulat na
mensahe ng pakikipagkaibigan at kalakalan ni Magellan kay Raha Humabon.
Nagkaroon
nang palugit (extension) sa pagpapatupad ng taripa sa daungan. Wala muna ang
TONG. Masusi itong pagiisipan. Nagtatag ng isang Trading Post sa baybayin ng
Cebu at nagsimula ang palitan at kalakalan. Naging simula rin ito nang higit na
pagkakaibigan ng dayuhan at katutubo.
Hindi
naglaon, sa paliwanag ni Raha Colambu napahinuhod si Humabon na maging
Kristiyano. Inatasan ni Magellan si Padre Valderama na magtayo ng altar at
sama-samang ganapin ang binyag sa Kristiyanismo, sampu ng mga asawa ni Humabon,
alagad, at buong nasasakupan ng Cebu. Nagtayo rin sa Cebu ng isang malaking
krus na kahoy bilang tanda ng pagtalima sa kapangyarihan ng Espanya.
Naging
abusado ang maraming sundalo ni Magellan lalo na sa kababaihan. Sukdulan ang
pang-abuso ni Duarte Barbosa, ang pinakamatalik na kaibigan ni Magellan.
Ipinakulong n’ya ito at ikinadena sa barko.
Lalong
nag-alab ang kagustuhan ni Magellan na mabinyagan at masakop ang iba pang
kalapit tribu. Sa halip hikayatin, tinakot n’ya ang mga pagano na tutugisin
kung hindi magiging binyagan. Ipinasunog ang mga estatwang idolo ng katutubo.
Ipinatawag
sa isang miting ang mga lider tribu ng kalapit na mga isla at binalaan ang
ilang rebelde kung hindi dadalo. Isa sa lider ng Mactan, si Lapu-Lapu, ay hindi
dumalo. Natuon ang galit ni Magellan kay Lapu-Lapu.
Ipinasunog
ni Magellan ang sentro ng Mactan at ipinagahasa ang kababaihan. Nagpasugo siya
na magbigay si Lapu-Lapu ng alay o tribute: kung ilan bilang ng baboy, kambing,
manok, bigas at niyog.
Ilan
bahagi lamang ng alay na ipinagutos ang ipinadala kay Magellan ni Lapu-Lapu
upang galitin ang dayuhan. Bilang lider katutubo, bakit nga naman siya
magbibigay ng TONG sa isang dayuhan? Labag sa kanyang patakaran at prinsipyo
ang magbigay ng TONG. . . . . . Regalo pwede pa.
Ang
hindi pagbibigay ni Lapu-Lapu ng kumpletong TONG ang nagsilbing mitsa sa
paglusob ni Magellan sa pulo ng Mactan.
Si
Lapu-Lapu lamang, sa mga lider tribu ng karatig pulo ng Cebu, ang hindi dumalo
sa miting na ipinatawag ni Magellan.
Bilang
ganti ipinasunog ni Magellan sa kanyang marino ang kapitolyo ng isla kasabay
ang pag-gahasa sa ilang kababaihan.
Matapos
ang panununog, kagyat na nagpadala ng sugo at iniutos kay Lapu-Lapu na magbigay
ng takdang bilang ng baboy, kambing, manok, bigas at niyog. Sa pananaw ni
Lapu-Lapu ang atas na ito ay malinaw na matatawag na “TONG”. Kalahati lamang sa
hiningi ang ipinadala ni Lapu-Lapu.
Lalong
nagalit si Magellan sa di pagbibigay ni Lapu-Lapu ng takdang “TONG” na kanyang
kinailangan.
Ito
ay tahasang rebelyon at hindi n’ya dapat palampasin sa kabila ng pagtutol ng
kanyang mga tauhan. Katuwiran nila, tatlong linggo na sila sa Cebu, tagumpay na
nahanap na nila ang lagusan pakanluran at panahon na upang lumisan pabalik at
mag-uwi sila ng maraming panlahok (spices) at sari-saring kalakal. Hindi na
dapat personal na lumapag sa barko si Magellan upang tugisin si Lapu-Lapu.
Labag ito sa kautusang militar at kaugaliang nabal.
Matigas
talaga ang ulo ni Magellan.Tinanggihan ni Magellan ang alok ni Raha Humabon na
isang libong sundalo, gayun din ang tulong ng anak ni Humabon na pangunahan ang
sabay na pag-atake sa likod ng Mactan. Tinanggihan din ang alok na tulong ng
isa sa anak ng kagalit ni Lapu-Lapu, si Zula, isa pang lider sa pulo ng Mactan.
Paniwala
ni Magellan na tadhana ng Diyos na siya mismo ang mamuno sa maliit na pwersa,
ngunit may higit na makapangyarihan armas, upang matigil ang rebelyon ni
Lapu-Lapu at hindi pamarisan ng iba.
Ang
barkong Trinidad kasama ang dalawa pa ay umalis ng Cebu. Sa maikling oras ng
paglalayag, nag-angkla sila sa may isla ng Mactan. Hating-gabi nang Abril 27,
1521, handa sa laban na sumakay sa tatlong maliit na bangka ang 60 armadong
sundalo sa pamumuno ni Magellan. Humimpil sila malapit sa pampang ng Mactan. Sa
di kalayuan ay nakahimpil din ang ilang bangka, lulan ang ilan katutubo
kabilang ang mag-ama ni Raha Humabon, upang maging saksi sa pangakong tagumpay
ni Magellan.
Tatlong
oras bago sumapit ang bukang-liwayway, isang sugo ang pinaahon ni Magellan
upang himukin si Lapu-Lapu na isuko ang kanilang armas. Tinawanan at inaglahi
lamang ito ni Lapu-Lapu. Sinabing handa silang ipagtanggol ang Mactan, kasabay
ang hatid-pakiusap kay Magellan na hintayin ang sikat ng araw bago umatake
dahil may hinihintay pang mga kakampi si Lapu-Lapu.
Inakala
ni Magellan na ito ay isang pakana upang sa halip ay sumalakay agad habang
madilim pa at mahulog sa inihandang mga patibong ni Lapu-Lapu. Kaya naman
iniutos ni Magellan na manatili sa bangka at hintayin ang pagsikat ng araw.
Naging
mahirap sa 60-kataong pangkat ni Magellan ang tatlong oras na paghihintay sa
maliit na bangka suot ang mabigat na baluting bakal at pasan ang mabibigat na
baril at iba pang armas pandigma. Dagdag pa rito ang tagaktak na tulo ng pawis
dahil sa init ng gabi kasabay ang kagat ng naglipanang lamok sa bahagi ng
mukha, kamay at paa na walang baluti.
Bukang-liwayway
na nang lumusong sa tubig si Magellan at mandirigmang Kastila dahil hindi
makalapit ang tatlo nilang bangka sa pampang sa dami ng mga corals (bulaklak ng
bato) o bahura at bato sa baybay. Hanggang baywang ang lalim ng tubig, pasan
nila ang mabibigat na armas at lalong naging mabagal ang kilos sa suot na
baluti. Labing isang tauhan ang naiwan sa bangka upang magsilbing arteleriya,
proteksyon sa pag-ahon sa pampang.
Sa
kanilang pag-ahon, kanilang nabatid na hindi pala abot sa pampang ang bala ng
artileriya. Bukas na bukas sila sa mga katutubo. Handang-handa si Lapu-Lapu.
Tatlong maluwang at malalim na hukay o trenches ang dapat nilang tawirin. Sa
pagitan ng bawat trentseriya ay hindi abot ang kanilang punlo sa naghihintay na
katutubo.
Marami
sa mga sundalo ni Magellan ay hindi pala sanay gumamit ng krus na panudla o
crossbow kaya pasimula pa lamang sa unang trentseriya ay batid na nila na ang
ekspedisyon ng 60 armadong Kastila laban sa isang libong tauhan ni Lapu-Lapu ay
pagsuong sa tiyak na kamatayan. Walang silbi ang maikling baril na madaling
maubos ang pulbora at bala.
Iniutos
ni Magellan ang tigil putukan at labanan ang katutubo ng malapitan
(hand-to-hand combat).
Kinailangan
bumaba at pumakabila sa unang hukay. Umatras naman ang grupo ni Lapu-Lapu upang
lalong mapalayo sa baybayin ang lumulusob na kaaway. Kagyat na inatasan ni
Magellan si Cristobal Rabelas at Juan de la Torre na sunugin ang malapit na
bahayan. Di pa gaanong nakakalayo ang ilang tauhang inatasan ay napalibutan na
ang mga ito ng pulotong ng mga katutubo at nasaksihan ni Magellan ang kamatayan
ng kanyang mga tauhan.
Bumulaga
kay Magellan na wala silang laban. “Atras soldados” ang utos ni Magellan. Ang
iba ay takbuhang pabalik habang ang iba ay lumalaban. Gayun na lamang ang hirap
nila bago makaahon sa hukay-patibong ni Lapu-Lapu pabalik sa pampang kung saan
sila ay pinaligiran ng pangkat ni Lapu-Lapu upang pigilan makabalik sa barko.
Nagkanikaniyang karipas ng takbo ang mga kastila sa kabila ng utos ni Magellan
na laban ang iba habang atras ang ilan.
Naiwan
si Magellan at walo pang sundalo kasama ang matapat na alagad – si Enrique at
Don Antonio. Sa pakikipaglaban, tinamaan ng palasong may lason ang hita ni
Magellan. Binunot n’ya ito at magiting pa ring lumaban habang ang lason ay
tumatalab sa kanyang katauhan.
Bilang
tunay na Kapitan Heneral nanatiling siyang nagtanggol hanggang sumapit sa tubig
patungo sa barko ang ilang nalabing sundalo. Saka pa lamang umatras ang
natitirang pangkat ni Magellan.
Pantay
tuhod ang tubig, nakipaglaban pa rin ang pangkat ni Magellan. Dalawang ulit
nalaglag ang helmet ni Magellan dahil sa ulan ng sibat ng kalaban sa isang oras
na pakikibaka na walang katiyakan.
Nagpadala
ng tulong-pwersa si Raha Humabon. Subalit bago pa sumapit sa labanan ay sila
mismo ang napuntirya ng maling asinta ng kanyon buhat sa barko at ang mga ito
ay nagkahiwahiwalay ng walang katuturan.
Lima
na lamang ang nalabing lumalaban sa tropa ni Magellan. Apat ang nasawi sa tama
ng sibat sa kabila ng kanilang suot na baluting metal. Si Magellan mismo ay may
tinamong sugat sa mukha at hinabol n’ya ng sibat ang katunggali. Wala na ang
ipinukol na sibat, pilit n’yang inabot ang kanyang sable sa kanyang baywang
subalit hindi na nakuhang mahugot sa kaluban dahil tinamaan s’ya ng sibat sa
kamay.
Naging
mabilis ang mga pangyayari. Sumugod si Lapu-Lapu at inundayan ng taga ng
kanyang kampilan ang walang baluting paa ni Magellan. Bagsak patihaya,
TIMBUWANG sa tubig si Magellan. Sinibat at inundayan ng saksak at
sisinghap-singhap na naanod sa dagat ng Mactan hanggang bawian ng buhay.
Sa
puntong ito natuon ang atensyon ni Lapu-Lapu at mga kampon sa pagkagapi kay
Magellan, dahilan upang makatakas ang apat na nalabing tauhan ni Magellan.
Tulala at hindi makapaniwala ang mga nakasaksi sa kamatayan ni Magellan; “ang
tumugis ang siyang napatay ng tinugis.” (“The hunter was killed by the
hunted.”)
Sugatan,
halos agaw-buhay na nakabalik sa barko sina Don Antonio, Enrique, Filberto, at
Escobar. Nasulat sa dayari ni Pigafetta ang kamatayan ni Magellan: Pinatay nila
“ang aming salamin, ang aming liwanag at taga-alo, at siyang tunay naming
patnubay” sa paglalayag. (They killed “our mirror, our light and comfort, and
our true guide.”)
Sa
bawat kasaysayan, may mapupulot na aral. Aral sa buhay na dapat limiin at
pakinabangan. Piliin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. Malinaw na TONG o
“LAGAY” ang nagsilbing mitsa sa kamatayan ni Magellan.
http://calambabythebay.blogspot.com/2011_03_13_archive.html